top of page
Gary V. - IG.jpg

18-anyos na PWD, ni-rape

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 8, 2024




Arestado ang isang lasing na lalaki sa panggagahasa sa isang grade 6 student sa Baseco Compound, Port Area, Manila, ayon sa Manila Police District (MPD) ngayong Huwebes.


Iniulat ng MPD Baseco Police Station (PS-13) na nahuli ang suspek na si Joecel noong Sabado, Pebrero 3.


Ito’y matapos dalhin ng kanyang kapatid ang 18-anyos na biktima, isang person with disability (PWD), upang ireport ang krimen sa Police Community Precinct (PCP) 3.


Nagpakita ang imbestigasyon na naglalakad ang biktima at ang kanyang kapatid pauwi mula sa isang malapit na drugstore nang madaanan nila ang suspek at ang kanyang mga kaibigan na nag-iinuman sa Barangay 649, Baseco Compound.


Lumapit ang suspek sa biktima at humingi ng kanyang phone number na ibinigay naman niya.


Tinawagan ng suspek ang numero para palabasin ang biktima sa bahay.


Sinabi ng pulis na lumabas naman ang biktima para makipagkita sa suspek. Habang naglalakad sila malapit sa tahanan ng suspek, bigla itong humawak sa kanyang braso at pilit siyang ipinasok sa kanyang bahay.


Ipinaliwanag naman ng biktima na ginahasa siya ng suspek at sinira nito ang kanyang cellphone upang pigilin siyang humingi ng tulong mula sa kanyang pamilya.

Nahuli ang suspek sa kanyang bahay na nakapiit ngayon sa MPD PS-13.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page