171 bagong kaso ng Omicron subvariants at Delta variant
ni Lolet Abania | September 16, 2022

Nakapagtala ng 171 bagong Delta variant at Omicron subvariant cases sa bansa base sa isang report na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.
Ayon sa DOH, may 163 BA.5 Omicron subvariant cases na na-detect noong Setyembre 13.
Sa 163 BA.5 cases, 151 ay mula sa Davao Region; 6 sa Soccsksargen; 2 mula sa Caraga; at tig-1 sa Western Visayas, Central Visayas, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at National Capital Region (NCR).
May apat pang nadagdag na kaso ng Delta variant na na-detect sa Davao Region, habang dalawang kaso ng BA.4 ang na-detect din sa nasabing lugar.
Nasa dalawang kaso ng “other sublineages” ng Omicron at 45 cases ng “no assigned lineage” ang nai-report din.
Sinabi pa ng DOH, ang mga samples ay nakolekta para sa sequencing run sa pagitan ng Hulyo 30 at Agosto 30.





Comments