Search
  • BULGAR

17 yrs. kasama… DIMPLES, BINIGYAN NG HOUSE & LOT ANG KASAMBAHAY

ni Nitz Miralles - @Bida | October 18, 2020




Ang ganda ng sorpresa ni Dimples Romana at ng husband niyang si Boyet sa househelp nilang si V. Binigyan lang naman nila ito ng sariling bahay!


Nanilbihan kina Dimples si V for 17 years at para sa mag-asawa, dapat lang na suklian ang loyalty at ginawang trabaho nito para sa kanila.


Nakakatuwa na hindi lang si V ang naiyak, pati si Dimples. Sabi ng aktres, parang kapatid na ang turing niya kay V at ito na raw halos ang ina ng kanyang mga anak dahil madalas nga siyang wala sa bahay.


“Para kay Ate V. Paano nga ba tayo lubos na makakapagpasalamat sa mga taong itinuring na nating pamilya? Mga taong hindi tayo iniwan meron man tayo o wala. Mga taong inaalagaan tayo sa araw-araw at ang ating pamilya nang buong-puso at malasakit.


"Sa gabay at awa ng Diyos, sa daming dasal, dumating na ang panahon na pinapangarap ko lang na dumating. Maibabalik na namin sa 'yo Ate V ang maraming taon ng serbisyo mo sa amin na para bang kapatid mo na kami. Mahal na mahal ka namin. Sana, magustuhan mo. Ilang taon ko na ring inipunan ito para sa iyo. Dumating na ang araw na narinig ng Diyos ang dasal kong balang-araw, maibalik namin sa 'yo ang lahat ng pasasalamat at pagmamahal.”


Lahat ng comments, sinabing naiyak sila sa video na napanood at marami ang nagpahayag ng paghanga kina Dimples at Boyet. Binago raw nito ang buhay ni Ate V at masaya sila para sa househelp.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.