17 dedbol, 100 sugatan sa pagsabog

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 9, 2023

BANGLADESH — Labing pito ang patay at 100 sugatan matapos ang pagsabog na tumama sa isang gusali sa commercial capital noong Martes.
Batay sa imbestigasyon, nangyari ang pagsabog sa ibabang palapag ng gusali bago mag-ala-5:00 ng hapon. Ilang palapag ng gusali at gilid nito ang napinsala.
Ayon kay Police Inspector Bacchu Mia, 17 ang naitalang patay, kabilang ang 2 babae.
Dagdag pa ni Nazmul Islam, Hospital Director ng Dhaka Medical College Hospital, higit 112 ang nagtamo ng head wounds, fractures at iba pang sugat.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ang awtoridad ng search and rescue sa mga residente na posibleng na-trap sa pagguho.
Samantala, hindi pa tukoy ang sanhi ng pagsabog.





Comments