17 Chinese, arestado sa cybersex

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 4, 2023

Arestado ang 17 kalalakihang Chinese dahil sa umano'y cybersex operation sa isang compound sa Brgy. Balantang sa Jaro, Iloilo City kaninang madaling-araw.
Batay sa ulat ni Sevein Hope Gegantoca sa Super Radyo dzBB ngayong Sabado, isinagawa ng pulisya ang isang search warrant kung saan nakuha ang 24 na computers, 49 na cellphones, at SIM cards sa compound.
Ayon kay Lt. Col. Antonio Benitez, hepe ng Intelligence Unit ng Iloilo City Police Office (ICPO), anim na buwan nang nasa lungsod ang mga Chinese at isinasagawa ang nasabing ilegal na aktibidad.
Ayon kay Benitez, may mga video recording ng mga babae at lalakeng hubo't hubad sa mga computer.
Hindi na nanlaban ang mga ito nang pasukin ng pulisya ang lugar.
Sa ngayon, isasailalim muna ang mga suspek sa medical examination.





Comments