17-anyos na estudyante, patay sa University of Makati
- BULGAR

- 22 hours ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | August 29, 2026

Photo: University of Makati / File
Natagpuan ang isang bangkay ng 17-anyos na lalaking estudyante sa loob ng campus ng University of Makati (Umak) Biyernes ng umaga.
Alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ng security guard na si “Evy” na nakahiga ang estudyante sa tabi ng generation set sa loob ng compound ng UMak na nasa J.P. Rizal Ext., Brgy. West Rembo, na agad niyang ipinaalam sa security officer.
Nagresponde ang mga operatiba ng Taguig Police Sub-Station 11, at hiniling nila ang tulong ng isang doktor na siyang nagkumpirma na wala ng buhay ang estudyante.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.





Comments