top of page
SHEET - BERNADETTE, NAG-MRT DAHIL SA BAHA, CR PURING-PURI, BINARA NG NETIZEN_IG _iambernad

16-anyos at tropa, sinita, pulis binanatan sa mukha

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 19, 2026



16 yrs old Grade 11 na estudyante nanuntok ng 43 antos na pulis - BCPO-S5 Circulated

Photo: BCPO-S5 / Circulated



Sugatan sa ilalim ng mata ang isang 43-anyos na pulis matapos suntukin sa mukha ng 16-anyos na Grade 11 student sa labas ng isang paaralan sa Brgy. Granada, Bacolod City, nitong Linggo.


Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente matapos sawayin ng pulis na may ranggong Police Master Sergeant, ang grupo ng mga kabataang naglalaro ng skateboard sa gitna ng kalsada.


Kasunod nito ay bigla na lamang lumapit sa kanya ang menor-de-edad na suspek at sinuntok siya sa mukha.


Nahinto lamang ang pananakit ng binatilyo dahil sa ilang mga residente sa lugar ang nakakita at umawat sa suspek.


Nagtamo ng malaking sugat sa ilalim ng mata ang pulis.

Nasa kustodiya na ng CSWDO ang menor-de-edad na suspek matapos itong isuko ng ina.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page