top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

16,324 dengue cases, naitala sa bansa — DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | July 19, 2022



Nakapagtala na ng kabuuang 16,324 dengue cases sa bansa mula Hunyo 5 hanggang Hulyo 2, 2022, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes.


Base sa National Dengue Data ng DOH nitong Hulyo 2, kung saan 20% o 3,196 ng 16,324 cases ay naitala mula sa Central Luzon.


Kasunod ang National Capital Region (NCR) na may 1,729 dengue cases (11%), at Central Visayas na may 1,703 cases (10%).


Lahat-lahat nito, nasa 65,190 dengue cases ang nai-register sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Hulyo 2, 2022, na tinatayang 83% na mas mataas kumpara sa mga kaso na nai-report sa parehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa DOH.


Anila, mayroon lamang 35,715 dengue cases na nai-record mula Enero 1 hanggang Hulyo 2, 2021.


Sa buong bansa, nananatili sa 274 ang mga nasawi dahil sa dengue, kung saan nasa 0.4% case fatality rate.


Sa mga nasawi, 36 ay naganap noong Enero; 32 ng Pebrero; 39 ng Marso; 46 ng Abril; 63 ng Mayo; at 58 noong Hunyo.


Sinabi rin ng DOH, nasa 13 mula sa 17 rehiyon ang lumagpas na sa dengue epidemic threshold noong nakalipas na apat na linggo o mula Hunyo 5 hanggang Hulyo 2, 2022.


Ayon pa sa ahensiya, ang Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, Bangsamoro Region, at Cordillera Administrative Region ay nagpakita naman ng tinatawag na “sustained increasing trend” ng mga dengue cases sa parehong period.


“Cumulatively, most of the dengue cases or 14% were still reported in Central Luzon with 9,448 cases.


It was followed by Central Visayas with 7,771 cases (12%), and Zamboanga Peninsula with 5,708 cases (9%),” sabi ng DOH.


Una nang sinabi ni DOH OIC at Undersecretary Maria Rosario Vergeire nito lamang buwan na nakakaalarma na ang pagtaas ng dengue cases sa bansa dahil sa ilan sa mga indibidwal ay naa-admit sa ngayon sa mga ospital.


Sinabi rin ni Vergeire na ang DOH ay bukas naman sa pag-aaral muli ng posibleng ebidensiya na ipiprisinta ng dengue vaccine na Dengvaxia sa pagprotekta sa mga mamamayan lab

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page