156 patay sa leptospirosis – DOH
ni Lolet Abania | August 9, 2022

Nasa tinatayang 156 Pilipino ang nasawi sa leptospirosis na naitala ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa isang press briefing ngayong Martes, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na nasa kabuuang 1,178 leptospirosis cases na ang nai-record ngayong 2022, kung saan 165 mga kaso ang na-detect sa period na mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 23.
Ayon kay Vergeire, ang mga rehiyon na nakapag-record ng pinakamaraming kaso ng leptospirosis sa kasalukuyan ay National Capital Region (NCR), Cagayan Valley, at Central Luzon.
“Mayroon na rin po tayong nakita na case fatality mula Enero hanggang July kung saan 156 deaths were reported already for leptospirosis,” pahayag ni Vergeire.
Paliwanag ng DOH, “Leptospirosis is a potentially fatal bacterial disease that affects humans and animals alike. It is caused by the spiral-shaped Leptospira bacteria, which can be transmitted to humans through exposure to the urine of infected animals or water or soil that has been contaminated by infected animal urine.”
Gayundin, ani ahensiya ang mga pagbaha ay posibleng makapagpataas ng transmission ng sakit.
“We know that every time there is a rainy season, nagbabaha, mas vulnerable po ang population natin sa ganitong klaseng sakit,” saad ni Vergeire.
Una nang hinimok ng opisyal ang publiko na maging maingat kapag lumalakad sa mga tubig-baha o floodwaters, na magsuot ng mga boots, maghugas ng kanilang mga paa matapos na sumuong sa baha, at agad na magpa-check up sa isang healthcare professional sakaling may sintomas ng naturang sakit.





Comments