155 baril, nasamsam
- BULGAR

- 5 days ago
- 1 min read
by Mervin Reyes @News | August 23, 2026

Photo: File / PRO 1 Regional Director Brig. Gen. Jovencio Badua Jr - Police Regional Office
Aabot sa 155 baril ang na-account ng pulisya sa tatlong araw na anti-criminality at law enforcement operations sa Ilocos Region mula Agosto 17 hanggang 19, kabilang ang apat na nakumpiska sa targeted operations.
Ayon sa Police Regional Office 1 (PRO 1), apat na katao rin ang naaresto dahil sa mga kasong may kaugnayan sa pag-iingat o paggamit ng baril.
Sa 155 baril, 118 ang boluntaryong isinuko ng mga sibilyan, 32 ang idineposito para sa safekeeping, apat ang nakumpiska sa operasyon at isa ang narekober.
Isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations, na nakatuon sa pagsugpo sa loose firearms, pagpigil sa gun-related violence at pagpapalakas ng public safety.
Ayon kay PRO 1 Regional Director Brig. Gen. Jovencio Badua Jr., nagpapakita ng kooperasyon ng komunidad at pulisya ang malaking bilang ng mga boluntaryong nagsuko ng kanilang baril.





Comments