top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

150 bahay, nasunog sa Cavite City

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | February 27, 2022



Umabot sa tinatayang 150 kabahayan ang naabo matapos na muling sumiklab ang sunog sa Cavite City ngayong Linggo.


Halos wala pang isang buwan nang unang maganap ang sunog noong Pebrero 12, sa Barangay 24, 25, 26, at 27 sa Zone 3, Caridad, sa Cavite City din, kung saan 100 kabahayan ang natupok habang 760 pamilya ang labis na naapektuhan.


Ayon kay Cavite Provincial Fire Director Supt. Rene Bullos, nasa 150 tirahan sa Barangay 10-B, Aplayang Munti ang nasunog bandang alas-4:00 ng madaling-araw ngayong Linggo.


Sa ipinakitang video ni Cavite City Vice Mayor Denver Chua, malalaking apoy ang bumalot sa maraming kabahayan na malapit sa sementeryo.


"Mayroon po tayong isang residente dito na nakausap. Kinukuwento niya na nagsimula ‘yung sunog nang magkaroon po ng brownout. Pagpatay po ng ilaw, doon na po nagsimula,” pahayag sa video ni Chua.


Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikatlong alarma ang sunog na ideklarang fire out bandang alas-6:00 ng umaga.


Ani BFP, gawa sa light materials ang mga bahay habang dikit-dikit pa ang mga ito.

Mabilis ding kumalat ang apoy sa mga kabahayan na sinabay ng malakas na hangin.


Walang naiulat na nasaktan matapos ang sunog, subalit hindi pa mabatid ng mga awtoridad ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page