15 yrs. nang Kapuso out, Miss U-Phils. 2020 in… RABIYA, PALIT KAY LOVI SA GMA-7
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 19, 2021

Kung iniwan man ni Lovi Poe ang GMA Network matapos ang 15 yrs. na pagiging Kapuso, may kapalit naman, ang beauty queen-Ms. Universe-Philippines 2020 na si Rabiya Mateo na pumirma na ng kontrata sa GMA-7.
Bagama't wala pang gaanong acting experience si Rabiya, marami siyang puwedeng gawin tulad ng hosting. Mapag-aaralan naman ni Rabiya ang pag-arte dahil may mga acting workshops para sa mga talents ng GMA Artist Center.
Katulad din noon nina Megan Young at Ariella Arida na bukod sa hosting ay nakalalabas din sa mga serye.
For sure, mas makikilala pa nang husto si Rabiya Mateo ngayong Kapuso na rin siya. At tiyak na magiging asset ng GMA Network si Rabiya Mateo.





Comments