top of page
TALKIES - VICE, HUMUGOT SA HIRAP NG BUHAY SA ‘PINAS_FB Vice Ganda.jpeg

15 yrs. na raw, dedma lang… DINA, SININGIL SA SHOW ANG KAIBIGANG MAY MILYONG UTANG, ‘DI PA RIN NAGBABAYAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 31, 2026



TALKIES - DINA, SININGIL SA SHOW ANG KAIBIGANG MAY MILYONG UTANG, ‘DI PA RIN NAGBABAYAD_IG _dinasangels

Photo: IG _dinasangels



“Baka naman puwedeng sumingil kasi kailangan ko na rin ng pera dahil nag-iisa naman ako,” pahayag ng multi-awarded actress na si Dina Bonnevie sa kanyang YouTube (YT) channel na House of D (HOD), kasama sina Oyo Sotto, Kristine Hermosa, Danica Sotto at Marc Pingris. 


Sa pinakabagong episode ng HOD, napag-usapan ang tungkol sa mga utang at sa karanasan ni Dina sa mga taong nanghiram sa kanya ngunit hindi na nagbayad.

Kuwento niya, “Ako pala ang grabe, ang dami ko nang friends na humiram na never nagbayad.


“Kung nanonood kayo, panahon na para magbayad kayo, ha? Nag-iisa na lang ako sa buhay ko.


“I have a friend, kilala mo ‘yan, Danica, parang naging friends ko sila, silang magkakapatid. Tapos, umutang ‘yung isang kapatid ng close kong friend ng millions. Ang laki ng inutang sa akin.”


Sey ni Danica, “Grabe ka naman kasi, millions.”

Ani Dina, “Eh, kasi, that was in dollars. But anyway, naawa naman ako. Ang dami n’yang anak, ganyan-ganyan, kulang sila sa tuition fee, etc.. Tapos, parang nalugi ‘yung restaurant nila.


“Alam mo, sa katagalan ng panahon, never ako binayaran. Never tinanggap ‘yung mga calls ko, text messages ko. Parang sabi ko sa loob-loob ko lang, naging mabuti naman akong kaibigan, naging matulungin naman akong kaibigan.


“Tinutulungan ko kayo mag-set-up ng restaurant and all, tapos ganito na lang? Inutangan mo ako and you don’t care to pay.


“So, nu’ng namatay na nga si Tito D, sabi ko, ‘Baka naman puwedeng sumingil kasi kailangan ko na rin ng pera dahil nag-iisa naman ako. Ang tagal na nu’n, parang 15 years na ‘yung utang mo, baka naman you can pay na.’ That was 20 years ago, 15 years ago.


“Wala. Dedma to the earth. Kaya sabi ko, sana, sinabi ko na lang ‘yung sinabi ni Marc Pingris, na tutulong na lang ako, pero ‘di ko na ibibigay ‘yung amount kasi nga masisira ‘yung friendship.


“Kasi ang nangyari, nasira rin ‘yung friendship. I don’t want to see her either. Ayoko na s’yang makita kasi ang sakit sa loob ko.


“Tumira pa ‘yung anak n’ya sa condo ko na nangakong magbabayad, but never paid a single centavo. Alam mo ‘yun? You know who you are.”


Well, kung sino ka man, sana, kahit paunti-unti, nagbayad ka. Ang utang ay utang!

Pak, ganern!





Kahit sinisiraan ng mga kalaban sa pulitika… 

WENCY, IPINAGTANGGOL SI SEN. ROBIN, MASA RAW ANG KAKAMPI KAYA NEVER MAPAPABAGSAK 



SA isang social media post, ibinahagi ng singer na si Wency Cornejo ang kanyang pananaw at personal na karanasan sa aktor-senador na si Robin Padilla. 

Aniya, tinanong siya kamakailan ng isang kaibigan tungkol sa kanyang tingin kay Robin, na nakatrabaho niya noong nakaraang halalan.


Aniya, “A friend asked me yesterday what I thought about Robin, and I need to preface this by saying that I have had the privilege of working with Sen. Binoe during the last elections. I can attest that the most striking quality I saw in him as a politician is something very un-politician-like: he exudes sincerity.


“Some quarters may try to put him down through character assassination, but they will not succeed. He is simply too real and extremely relatable, and the masses, regardless of the ongoing smear tactics, will still be behind him all the way.”


Samantala, sa isang social media post naman ni Sen. Robin, nagbahagi siya ng isang bukas na liham para kay Wency bilang tugon sa pahayag ng singer.


Aniya, “Ka Wency, batid ko na alam mong madadamay ka sa pagkilos ng mga pulitiko para sirain ako, pero inilabas mo pa rin ang iyong leeg.


“Maraming salamat sa iyong katapangan at katapatan sa bayan. Mabuhay ka!”

In fairness sa anak ng broadcast journalist na si Mel Tiangco na si Wency, hindi lang siya mahusay na singer, malakas din ang loob niyang sabihin at ipahayag ang kanyang nararamdaman. 


Pak! Tumpak ka r’yan, Wency.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page