15 Schools, babanat uli sa 21st NAASCU Tourney
ni Anthony E. Servinio @Sports | April 6, 2023

Asahan na maglalaro muli ang lahat ng mga kasapi ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) para sa kanilang ika-21 taon kasabay ng simula ng academic year 2023-2024. Tinatayang 15 paaralan ang lalahok matapos magdaos ang liga ng torneo noong nakaraang taon tampok ang pitong paaralan bilang patunay ang tagumpay laban sa pandemya.
Nagkampeon ang Saint Clare College of Caloocan sa basketball habang nagwagi ang Enderun Colleges and Philippine Christian University sa volleyball ng kababaihan at kalalakihan. Ang tatlong nabanggit na paaralan ang mangunguna sa iba pang magbabalik na Our Lady of Fatima University, AMA University, Technological University of the Philippines at Manuel L. Quezon University.
Magbabalik matapos lumiban ng isang taon ay ang City University of Pasay, New Era University, Saint Francis of Assisi College, Philippine Merchant Marine School, De La Salle Araneta University at Holy Angel University. Babalik din ang University of Makati at magiging regular member na ang Philippine National Police Academy matapos maglaro bilang panauhin sa men’s volleyball.
Lalawak ang kalendaryo sa pagbabalik ng Basketball ng Juniors at Women, eSports at Cheerleading. Pinag-aaralan pa kung gaganapin ang iba pang disiplina na naging bahagi ng NAASCU gaya ng Athletics, Aquatics, Badminton, Billiards, Chess, Table Tennis at Taekwondo.
Samantala, binigyan ng Saint Clare si Coach Jinino Manansala Sr. ng bagong limang-taong kontrata. Ang pinakamatagumpay na coach sa kasaysayan ng NAASCU Basketball ang gumabay sa Saints sa kanilang unang kampeonato noong 2012 at sinundan ng limang sunod-sunod simula 2016 na nais nilang dagdagan ngayong taon at pantayan ang pitong kampeonato ng University of Manila Hawks mula 2001 hanggang 2005 at 2010 at 2011.





Comments