15-anyos ni-rape ng ex-BF at 3 katropa
- BULGAR

- Aug 25, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 25, 2023

Himas-rehas ang apat na kalalakihan matapos ireklamo ng isang 15-anyos na dalagita ng panghahalay umano sa kanya sa Mandurriao, Iloilo City.
Kasama sa inaresto ang dating nobyo ng dalagita na nagyaya umano sa kanya para mag-inuman kasama ang ilang kaibigan noong Martes ng madaling-araw.
Habang nag-iinuman ay doon umano nangyari ang halinhinang panghahalay sa dalagita na walang nagawa dahil nalasing na umano ito.
Mabilis namang naaresto ang apat na suspek kabilang ang isang miyembro ng LGBTQ na kasabwat umano sa panghahalay sa biktima.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag sa media ang mga suspek na nakakulong na sa detention facility ng Mandurriao Police.





Comments