15,636 dengue cases, naitala sa Central Visayas – DOH
ni Lolet Abania | November 5, 2022

Nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng dengue ang lahat ng lalawigan sa Central Visayas, ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) mula sa latest bulletin.
Base sa kanilang datos, sa ngayon ay mayroong 15,636 cases sa Central Visayas na naitala mula Enero hanggang Oktubre 2022.
Ayon sa DOH, ito ay nasa 2,000 cases na mas mataas kumpara sa huling ini-release na data ng ahensiya kaugnay sa nasabing sakit sa pagtatapos ng Setyembre.
Ang probinsiya ng Cebu ang nangunguna pa rin sa bilang ng mga kaso ng dengue na naitala na may mahigit 6,398, kasunod ang Cebu City na mayroong 2,696 cases.
Nasa pangatlo naman ang Bohol na may 2,334 cases habang sumunod ang Negros Oriental na nasa 1,814 cases.
Ang Lapu-Lapu City ay may 1,455 cases, habang ang Mandaue ay mayroong 800 kaso.
Pinakakaunti naman ang Siquijor na may 139 cases.
Para sa buong rehiyon, nakapagtala na ng 95 nasawi sa dengue.
Sa ngayon, ang lahat ng mga probinsiya at lungsod ay dobleng pagsisikap para maiwasan ang lalo pang pagdami ng bilang ng tinatawag na mosquito-borne illness.
“We are now reiterating to our constituents, the 4 o’clock habit. Manglimpyo ta (we have to clean) and search and destroy possible breeding places,” pahayag ni Dr. Liland Estacion, head ng Provincial Health Office sa Negros Oriental sa press briefing nitong Biyernes.
Wala namang LGU na nagdeklara pa ng outbreak katuwang ang DOH-7, kung saan anila, ang mga kaso ay nananatiling manageable.





Comments