14th Manila Horse Power Racing Festival
- BULGAR

- Feb 13, 2021
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 13, 2021
Hahataw sa darating na Marso 14 ang 14th Manila Horse Power Racing Festival sa karerahan ng Metro Manila Turf Club, Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Tampok ang MHP-COOL SUMMER FARMS INVITATIONAL RACE na paglalabanan ng local at imported na 4yr. old and above. Ang nasabing karera na tatawirin ng mga kalahok ay ang 1,800 meters distansiya.
May nakalaang P 1-M na hahatiin sa apat na premyo na ang 1st place ay tatanggap ng P500,000, ang 2nd place ay P300,000, ang 3rd place ay P150,000 at ang 4th place ay makatatanggap ng P50,000.
Sa ngayon ay 16 na kabayo ang inimbitahan ng MHP sa karerang nabanggit. Ang mga kabayong inimbitahan ay ang Magnificent Lady, Wish Afan A Star, In The Zone, Sailing Along, Princess Eowyn, Boss Emong, Change The Racer, Sky Candy, Troubador, Tony’s Love, Obra Maestra, Super Sonic, Patong Patong, Dragon Butterfly, American Factor, Joyous Solution.
Asahan na maganda ang magiging kaganapan ng karera subalit dalawa ang matatanggal na kalahok.
Sa local na kabayo ay kinabibilangan ng Princess Eowyn, Boss Emong, Obra Maestra na makakalaban ang mga imported na kabayo na Change The Racer, Tony’s Love, Patong Patong, Dragon Butterfly, American Factor, Joyous Solution, Wish Afan A Star, American Factor at Sky Candy.




Comments