14 yrs. old, sapul sa ligaw na bala... E-trike driver, niratrat ng riding-in-tandem

ni Maeng Santos @News | November 6, 2026

Photo: File
Isang e-trike driver ang nasawi nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek habang sugatan naman ang 14-anyos na binatilyong estudyante nang tamaan ng ligaw na bala sa Malabon City, Miyerkules ng gabi.
Dead-on-the-spot ang 22-anyos na biktimang residente ng Brgy. Tugatog sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan habang ginagamot naman sa ospital ang binatilyo matapos madaplisan ng ligaw na bala.
Sa ulat ng tanggapan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili, papasada sana ng e-trike ang biktima para kumita ng panggastos sa kapapanganak na asawa nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo alas-8:20 ng gabi sa M.H. Del Pilar St. Brgy. Tugatog.
Tinamaan naman ng ligaw na bala ang estudyante na agad isinugod ng kanyang tiyahin sa pagamutan.
Inaalam pa ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission ang motibo ng pamamaslang lalo na’t inihayag ng ina ng biktima na wala silang alam na kaaway o anumang banta sa buhay ng kanyang anak.





Comments