14 Sports, lalarga agad sa 85th UAAP Opening
ni Gerard Arce - @Sports | September 22, 2022

Labing-apat na sports mula sa kabuuang 22 sports ang gaganapin sa pambungad na events para sa pangkalahatang 60 events sa muling pagbabalik ng karaniwang pampalakasan sa first semester ng 85th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na pangungunahan ng inaabangang pagdepensa ng University of the Philippines Fighting Maroons na pagbibidahan ni Carl Tamayo sa pambungad na men’s basketball tournament sa Okt. 1 sa MOA Arena.
Lalaro ang 21-anyos na Gilas Pilipinas member sa ikalawang taon sa liga para simulang tulungang madepensahan ng Katipunan-based squad ang kampanya kontra season 84th third placer DLSU Green Archers ng 4 p.m. matapos ang pambungad na laro ng No.5 finisher at season host Adamson Falcons at No.7 UST Growling Tigers sa unang araw sa Sabado ng 2 p.m.
“The rationally is we’re resuming face-to-face classes. With that kind of situation, and as far as we’re concerned were back to normal. But, depende pa rin sa regulations na ilalabas. Yun lang naman, kung may restrictions ang DEPED, we are bound to follow it,” wika ni league president Fr. Aldrin Suan ng Adamson University noong Martes sa lingguhang Philippine Sportswriter Association (PSA) Forum online kasama si UAAP Executive Director Atty. Rebo Saguisag.
Kasabayan din ng men’s basketball ang women’s basketball tourney na ilang taon ng pinagrereynahan ng National University Lady Bulldogs. Maghaharap sa Linggo ang last placer na UE Red Warriors at NU Bulldogs at ang runner-up na Ateneo Blue Eagles at FEU Tamaraws.
Bukod sa paboritong laro ng mga Pinoy na tatagal hanggang Disyembre, sisimulan din ang kompetisyon ng Chess ngayong Oktubre hanggang Nobyembre, gayundin ang Badminton events simula Okt. 22-Nob. 20. Matutunghayan ang Table Tennis simula Nob. 5-27. Hampasan sa buhanginan ang masisilayan sa Beach Volleyball tournament simula Nob. 19 hanggang Dis. 10.





Comments