14 Pinoy na nakatawid sa Egypt, bumalik sa Gaza

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 10, 2023

Bumalik sa Gaza ang 14 mula sa 56 Pinoy na tumawid mula Gaza patungo sa Egypt, dahil hindi sila pinayagang makasama ang kanilang mga asawa sa pagtawid ng border.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega, nakatawid na ang 14 Pinoy sa Egyptian immigration at nasa teritoryo na ng Egypt nang magdesisyong bumalik sa Gaza.
Hindi umano pinayagan ang siyam na Palestinian na tumawid patungo sa Egypt, kaya't nagpasya na lamang ang kanilang mga Pilipinong asawa at mga anak na manatili sa Gaza.
Nitong Biyernes ng umaga, inihayag din ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na 56 Pinoy ang bumuo sa ikalawang grupo na umalis mula sa Gaza.
Ngunit ngayon, 42 na lamang sila matapos bumalik ang 14 sa Gaza.





Comments