Search
  • BULGAR

14 Nars na namatay sa COVID at 1 Bayaning Nars, pinarangalan

ni Lolet Abania | December 16, 2020





Iginawad ng Philippine Nurses Association (PNA) ang Bayaning Nars award sa 15 nars na walang kapagurang naglilingkod sa kanilang kapwa, sa halip na isa lamang ang bigyan ngayong taon.


Binigyan ng posthumous award ang 14 namatay habang nagtatrabaho at nagseserbisyo sa panahon ng pandemya ng COVID-19. Si Nurse Lorraine Pingol ang nag-iisang awardee na buhay, na naging viral noong August dahil sa pagtulong niya sa isang ginang na manganganak sa kalye.


"Bukod po sa masaya, sa totoo lang, I feel humbled na makakatanggap po ng award bilang isang nurse. Hindi ko po inaasahan ang lahat ng ito," sabi ni Pingol na isang leukemia survivor.


Si Dr. John Paul Ner naman ang tumanggap ng award para sa kanyang nakababatang kapatid na si Nurse Joey Ner, na namatay sa COVID-19. Labis ang pasasalamat ng doktor sa parangal na ibinigay ng PNA kay Joey at buong-pusong ipinagmamalaki ng kanilang pamilya ang ginawa ng kapatid.


Ang mga Bayaning Nars 2020 na binigyan ng posthumous award ay ang mga sumusunod: *Manuel Pacheco * Rosalino Ramos * Elvies Duque * Arvin DS Pascual * Faye Marie Palafox * Eric Arandia * Ian Anthony Vilog * Shiela Malto * Baguio Arenas * Gamir Gumayan * Joey Ner * Gilbert Catan * Ma. Theresa Cruz * Albert Bryan Aspiras


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.