Search
  • BULGAR

14 MHP Racing Fest-Cool Summer Invt'l Races sa MMTCI

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | March 6, 2021



Nakatakdang umalagwa ang 14th MHP Racing Festival Cool Summer Invitional Races sa Metro Manila Turf Club,Inc. (MMTCI) sa Malvar,Batangas sa susunod na Linggo.


Magaganap ang MHP-Cool Summer Invitational Races, kasabay ng 4 Year Old and Above Local-Imported Horses na may papremyo na P1-milyon na hahatiin sa apat.


Hahatiin sa apat na magkakasunod na darating na kalahok na unang ay makatatanggap ng P600,000 habang ang pangalawa ay may P225,000. Ang pangatlo ay tatanggap ng P125,000 at tatanggap naman ng P50,000 ang darating na pang-apat na kabayo.


May nagpatala na sasali sa naturang karera ito ay pinangungunahan ng Magnificent Lady, Wish Afan Star, In the Zone, Princess Eowyn, Sailing Along, Boss Emong, Change the the Racer, Sky Candy, Troubadour,Tony’s Love,Obra Maestro, Super Sonic, Patong-Patong,Dragon Butterfly, American Factor at Joyous solution.


May premyo ang bawat karera sa mananalong kabayo higit na pagkakalooban ng premyo ang mga maliliit na manggagawa sa karera ito’y mula sa mga sota ng kabayo. Inaasahan na darating ang mga may ari ng kabayo na matutunghayan sa araw ng Linggo.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.