Search
  • BULGAR

14-anyos na tambay sa court, binaril ng riding in tandem

ni Thea Janica Teh | October 22, 2020




Patay ang isang 14-anyos na lalaki sa Barangay 56, Zone 5, Tondo Maynila nitong Miyerkules matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.


Makikita sa isang CCTV footage na bandang alas-11 ng gabi, nakaupo lamang ang biktimang si Deejay Cabilin kasama ang isang grupo sa covered court na katabi ng barangay hall nang dumating ang dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo.


Bumaba ang angkas at lumapit kay Cabilin saka ito pinagbabaril. Nakatakbo pa si Cabilin upang magtago sa likod ng nakaparadang SUV.


Agad na dinala sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay matapos itong mapuruhan sa ulo. Sugatan din ang pamangkin ng biktima nang madamay sa pamamaril.


Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District homicide section, inireklamo umano ang biktima sa pananaksak sa isa pang menor de edad sa isang computer shop sa kabilang barangay. Naganap umano ang pamamaril habang hinihintay ang panig ng nagreklamong pamilya.


Kuwento pa ni Police Capt. Hanry Navarro, hepe ng MPD homicide section, hindi na umano makita ang tatay na nagreklamo sa biktima nang puntahan ito para i-follow-up ang reklamo.


Sa ngayon ay tinutukoy pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Inaalam din kung kaugnay ba ang pamamaril sa biktima sa nangyaring pananaksak.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.