14,166 pulis, bantay ngayong Labor Day
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | May 1, 2026

Photo: Pahirapan ang pagdaan ng mga tao sa barikadang maagang inilatag sa General Solano St., Maynila na isa sa mga daanan papasok ng Malacañang. Bahagi ito ng paghahanda sa mga kilos-protesta na ikinasang ilunsad kaugnay ng paggunita ng Araw ng Paggawa ngayong araw. (Jeff Tumbado)
Magtatalaga ng 14,166 na pulis ang National Region Police Office (NCRPO) para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa pagdiriwang ng Labor Day ngayong araw, Mayo 1.
Ayon kay NCRPO Director Police Major General Anthony Aberin, itinalaga sa mga estratehikong lugar sa buong Metro Manila ang mga tauhan para sa Civil Disturbance Management (CDM) contingents, anti-criminality operations, counter-terrorism measures, traffic management teams, emergency response units, at iba pang mahahalagang bahagi ng seguridad.
May nakaantabay ding Reactionary Standby Support Force (RSSF) mula sa NCRPO Regional Headquarters para sa mabilis na pagresponde kung kinakailangan.
Hinimok ni Aberin ang publiko na i-report agad ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa 911 o sa pinakamalapit na tauhan ng pulisya.




Comments