13th month pay at sahod ng mga katrabaho, tinangay ng kahera

ni Mylene Alfonso @News | November 13, 2026

Photo: Circulated / SS / ABS-CBN
Tinangay ng isang kahera ang mahigit P400,000 na nakalaan para sa 13th month pay at suweldo ng kanyang mga katrabaho sa isang resto bar sa Malate, Maynila.
Nakunan sa CCTV ang suspek habang kinukuha ang pera mula sa vault bago tumakas.
Sa kabila ng insidente, tiniyak ng pamunuan na matatanggap pa rin ng mga empleyado ang kanilang 13th month pay.
Nagsumite na rin ang may-ari ng mga ebidensya sa pulisya para sa posibleng pagsasampa ng reklamong qualified theft laban sa kahera.





Comments