139 empleyado ng NFA, sinuspinde
- BULGAR
- Mar 4, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 4, 2024

Sinuspinde ni Agriculture Department Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang 139 na empleyado ng National Food Authority (NFA) pati na rin ang ibang opisyal nito, ngayong Lunes.
Nagdulot ng suspensyon at imbestigasyon ang ulat ng isang opisyal na ilang mga ehekutibo ang nagbebenta ng mga buffer stocks ng bigas nang hindi sumusunod sa tamang mga patakaran.
“I have been in contact with the Office of the Ombudsman ever since this controversy erupted. I also created a special panel of internal investigators to determine culpability and see how we can prevent it from happening again in the future,” sabi ni Laurel sa isang pahayag.
Kabilang sa mga opisyal na sinuspinde ang administrator na si Roderico Bioco at assistant administrator for operations na si John Robert Hermano. Kasama rin sa 139 na nakatanggap ng suspensyon ngayong Lunes ang iba't ibang mga regional manager at warehouse supervisor sa buong bansa.
Pansamantalang pamumunuan ni Tiu Laurel ang NFA upang maiwasan ang anumang pagkaantala sa mga serbisyo at proyekto ng ahensya.





Comments