top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

137,701 sanggol, tumanggap ng routine immunization – DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | November 22, 2022



Mahigit sa 137,000 sanggol sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap na ng kanilang routine catch-up immunization simula Nobyembre, habang nahigitan ang 100% infant inoculation target ng pamahalaan.


Sa isang statement ngayong Martes, sinabi ng Department of Health (DOH) na umabot sa 137,701 sanggol sa Metro Manila ang nabakunahan sa ilalim ng kanilang “Vax-Baby-Vax” campaign, sa tulong at koordinasyon ng mga local government units (LGUs).


Nalampasan nito ang original target ng ahensiya na magbakuna ng 137,000 sanggol sa rehiyon, na may kabuuang coverage rate na 100.48%.


Ang 10-araw na catch-up immunization campaign, na inilunsad noong Nobyembre 7, ay layong maprotektahan ang mga sanggol na nasa 0-12 months old sa NCR laban sa vaccine preventable diseases (VPDs) kabilang dito ang polio, measles, mumps, rubella, diphtheria, hepatitis B, at human papilloma virus (HPV).


Ayon sa DOH, ang Manila City ang siyang top performing city na may pinakamataas na coverage rate kaugnay sa kanilang target population, na umabot sa 28,073 sanggol o 130% ang nabakunahan.


Kasunod ang Quezon City na may 23,732 sanggot o 129%; at Parañaque City na may 10,803 sanggol o 122%.


“We are very proud of this achievement not because we exceeded our target, but because having done so means that we were successful in protecting our children against debilitating but easily-preventable diseases,” ani DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire.


Umapela naman ang opisyal sa mga magulang na ang kanilang mga sanggol ay nakaligtaan ang kanilang routine immunization dahil sa COVID-19 pandemic na pabakunahan na ang mga ito para maprotektahan laban sa VPDs.


“Hindi pa huli ang lahat para pabakunahan ang ating mga anak. Huwag na po nating hintayin na magkasakit sila at magsisi tayo. Ngayon pa lang ay ibigay na natin sa kanila ang proteksyon na kailangan nila upang mabigyan natin sila ng malusog at matiwasay na buhay habang sila ay tumatanda,” pahayag pa ni Vergeire.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page