Search
  • BULGAR

13 preso sa Caloocan, nakatakas

ni Thea Janica Teh | October 22, 2020



Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang 13 preso na nakatakas sa Caloocan custodial facility sa tabi ng City Hall nitong Huwebes nang madaling-araw.


Ayon kay Police Col. Dario Menor, may kabuuang 15 detainees ang nakatakas sa facility kung saan dinadala ang mga COVID-19 positive o sumasailalim sa COVID-19 testing.

Nahuli agad ang dalawa at sinabing matagal nang pinaplano ang pagtakas.


Napag-alaman ding 21 araw nang namamalagi sa pasilidad ang mga detainees na sobra na sa itinakdang 14 na araw na quarantine.


Noong Lunes, unti-unti nang isinasara ang likurang pader ng kulungan na may 2 pulis na nagbabantay. Dito umano dumaan ang mga detainees.


Kinilala ang mga detainees na sina:


1. Martin Mama

2. Gerrymar Petilla

3. Hudson Jeng

4. Aldwin Jhoe Espila

5. Reymark Delos Reyes

6. Norbert Alvarez

7. Mark Oliver Gamutia

8. Jovel Toledo Jr

9. Arnel Buccat

10. Raymond Balasa

11. Reynaldo Bantiling

12. Dunacao Aries

13. Tejeros Justine


Ilan sa mga kaso ng mga detainees ay illegal possession of firearms, drugs at ang iba naman ay minor offense lamang tulad ng paglabag sa curfew.


Samantala, nahaharap din sa kasong administratibo at criminal ang 2 pulis na nagbabantay sa pasilidad, ayon sa pulisya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.