top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

13 majority senators, target kasuhan — Imee

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 28, 2026



Senadora Imee Marcos, tinalakay sa Kamuning Bakery Cafe’s Pandesal Forum, kasama ang moderator na si Wilson Lee Flores, ang ilang mahahalagang isyu sa bansa at usaping pampulitika tulad ng impeachment, “No-El,” at term extension. Binanggit din niya ang tensyon sa Senado, isyu sa remote voting, imbestigasyon sa flood control projects, at kalagayan ng kanyang inang si daying First Lady Imelda Marcos

Photo: Senadora Imee Marcos, tinalakay sa Kamuning Bakery Cafe’s Pandesal Forum, kasama ang moderator na si Wilson Lee Flores, ang ilang mahahalagang isyu sa bansa at usaping pampulitika tulad ng impeachment, “No-El,” at term extension. Binanggit din niya ang tensyon sa Senado, isyu sa remote voting, imbestigasyon sa flood control projects, at kalagayan ng kanyang inang si daying First Lady Imelda Marcos. (Mars Santos)



Naniniwala si Senator Imee Marcos na pinupuntirya ng pamahalaan ang 13 senador sa majority bloc sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso laban sa kanila.


“Maraming tumatawag, maraming nagte-text sa amin, taga-DOJ (Department of Justice), taga-OMB (Ombudsman), na sinasabi… kine-case buildup na raw kaming labintatlo. All 13 of us are being targeted,” pahayag ng senadora sa kanyang pagdalo sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Cafe.


Matatandaang sasampahan ng kasong plunder sina Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva kaugnay ng flood control scandal.


Nahaharap din sa reklamo si Sen. Robin Padilla dahil sa pagtulong umano kay Senador Bato Dela Rosa na pinaaaresto ng ICC.


Nahaharap din sa reklamong kriminal sina Senators Camille at Mark Villar dahil sa umano'y market manipulation at insider trading.


Samantala, wala pang pahayag ang Office of the Ombudsman at DOJ tungkol sa pahayag ni Sen. Imee.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page