top of page
BINI Gwen.jpg

13 bata, kumain ng bunga ng tuba-tuba, naospital

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | October 28, 2026



13 menor-de-edad matapos umanong malason sa kinaing bunga ng tuba-tuba sa Brgy. Topland, Koronadal City - Circulated - Nicka Pama

Photo: 13 menor-de-edad matapos umanong malason sa kinaing bunga ng tuba-tuba sa Brgy. Topland, Koronadal City - Circulated - Nicka Pama



Naospital ang 13 menor-de-edad matapos umanong malason sa kinaing bunga ng tuba-tuba sa Brgy. Topland, Koronadal City nitong Lunes, Oktubre 26.


Nakaranas ang mga bata ng pagsusuka at pagkahilo matapos kainin ang nasabing bunga kaya dinala sa South Cotabato Provincial Hospital.


Nakatuwaan umano ng 13 bata na kainin ang bunga matapos maengganyo sa magandang kulay nito. 


Nakaligtas naman ang mga biktima sa posibleng mas malalang epekto ng tuba-tuba matapos mabigyan ng lunas ng mga manggagamot.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page