13-anyos dedo sa breakwater

ni Mylene Alfonso | March 27, 2023

Patay ang isang 13-anyos na babae makaraang malunod sa breakwater kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.
Naisugod pa sa Tondo Medical Center si Kyshia Nicole Malbas, estudyante, subalit binawian din ng buhay.
Batay sa ulat ng Manila Police District-Police Station 1, alas-4:40 ng hapon nang maisipan ng biktima at kanyang kapatid na si Kian Rain, 1, na maligo sa breakwater.
Lumalangoy umano ang biktima nang makita ni Kian Rain, na nalulunod kaya agad itong umuwi sa kanilang bahay at humingi ng tulong sa kanyang tiyuhin na si John Jay Malbas, 36, na agad namang sinagip ang dalagita at isinugod sa pagamutan.
Gayunman, alas-5:27 ng hapon nang tuluyang bawian nang buhay ang biktima.





Comments