121 bagong kaso ng Omicron subvariants – DOH
ni Lolet Abania | December 20, 2022

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 121 bagong kaso ng mas nakahahawa ng tinatawag na offshoots ng Omicron COVID-19 variant.
Mula sa 133 samples na na-sequence ng University of the Philippines-Philippine Genome Center, 23 cases ay naklasipika bilang BA.2.3.20; isang kaso ng BF.7; 28 cases ng XBB; 45 cases ng XBC, at 24 kaso ng iba pang Omicron subvariants.
Ang karagdagang kaso ng BA.2.3.20 ay binubuo ng mga local cases mula Regions 1, 2, 3, 7, 11, at National Capital Region (NCR), na resulta ng sequencing run na isinagawa noong Disyembre 14 hanggang 15.
Batay sa datos ng DOH, mula sa NCR ang dagdag na BF.7 case habang ang lahat na bagong kaso ng XBC ay mula sa Region 11. Ang karagdagang XBB cases ay mula sa Region 7, 11, at NCR.





Comments