12 yrs. nang mag-asawa… REGINE, KILIG NA KILIG PA RIN AT MAS NA-IN LOVE PA KAY OGIE
- BULGAR
- Dec 24, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | December 24, 2022

Nag-celebrate sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ng kanilang 12th wedding anniversary noong December 22. Ipinost ni Ogie ang photo nila ni Regine at binati niya ang asawa.
“Happy 12th anniversary to the love of my life. Singing with you on our special day made me feel so in love with you all over again. What a blessing, mahal na mahal kita @reginevalcasid.”
Sabi naman ni Regine, “After 12 years, kinikilig pa rin ako. After 12 years, ikaw pa rin pinaka-puge (read: pogi). After 12 years, tawang-tawa pa rin ako sa ‘yo. After 12 years, umiiyak pa rin ako ‘pag umaalis ka. After 12 years, mas mahal pa kita kesa noon. Happy Anniversary Baba @ogiealcasid #imforeverOgies.”
Anyway, tinreat nina Ogie at Regine ang mga taong nagtatrabaho at nakatrabaho nila sa isang Christmas party. Kita ang saya ng mga imbitado ng mag-asawa sa importansiya na ibinigay nila.
“Our Christmas party with our kasambahays, our drivers, makeup artists, boxing trainer, golf caddy, our studio tech, and their families!!! Ang saya!!! God bless us all!!!”
Pinuri ng mga netizens ang mag-asawa at sana raw, dumami pa ang gaya nilang inaalagaan ang mga taong tumutulong sa kanila para lalo silang humusay sa kanilang craft.





Comments