12 illegal shuttle services, huli
- BULGAR

- 12 hours ago
- 1 min read
ni Benjamin Chavez @News | June 5, 2026

Photo: LTO
Nagsagawa ng Joint Special Anti-Colorum Operation ang Land Transportation Office, Highway Patrol Group, at Philippine National Police-Special Operation Division nitong Miyerkules sa kahabaan ng National Highway sa Real, Calamba, Laguna.
Umabot sa 12 sasakyang ginagamit bilang shuttle services na walang kaukulang prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang nahuli at isinailalim sa impoundment.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng ahensya upang matiyak na ang lahat ng sasakyang ginagamit sa pampublikong transportasyon ay sumusunod sa batas at regulasyon.





Comments