12-anyos, pinagsasaksak ng 2 bata, patay
- BULGAR

- Mar 17, 2023
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 17, 2023

GERMANY — Dedo ang isang 12-anyos na babae matapos pagsasaksakin ng kanyang dalawang kaibigan sa kakahuyan.
Inakusahan ang dalawang batang babae na may edad na 12 at 13.
Nagsimula umano ang pagtatalo nang pagtawanan ng biktima ang pamilya ng kanyang kaibigan.
At makalipas ang ilang oras, nagtungo na ang pamilya ng biktima sa pulisya upang iulat ang pagkawala ng kanilang anak.
Natagpuan ang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak sa kakahuyan na malapit sa istasyon ng tren, dalawang kilometro mula sa kanilang bahay.
Ayon sa autopsy report, ang ikinamatay umano ng biktima ay exsanguination.





Comments