12-anyos na lalaki, patay sa sunog
ni Lolet Abania | January 21, 2023

Isang 12-anyos na lalaki ang namatay matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Manila, ngayong Sabado.
Batay sa report ng GMA News, ang biktima ay nakilalang si Carlo Custa, na mayroong Down syndrome.
Ayon sa ama ng bata na si Baltazar Custa, sinubukan pa nilang ilabas ng bahay ang anak subalit hindi rin nila ito nailigtas dahil sa laki niya.
Alas-12:38 ng hapon, kontrolado na ng Bureau of Fire and Protection (BFP) ang sunog habang naapula ang apoy pasado ala-1:00 ng hapon.
Ayon sa BFP, halos 20 kabahayan na nasa corner ng Sandico at Barcelona Streets sa Barangay 35, Tondo, ang naapektuhan matapos ang sunog. Gayundin, aabot sa halagang P350,000 ang mga ari-ariang napinsala.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naging sanhi ng sunog.





Comments