top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

11K pulis, ipapakalat sa Semana Santa – NCRPO

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 7, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | April 7, 2022



Magpapakalat ng 11,000 police officers ang National Capital Region Police Office (NCRPO) kasabay ng pag-obserba ng Semana Santa sa susunod na linggo.


Sa Laging Handa public briefing ngayong Huwebes, sinabi ni NCRPO spokesperson Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson na ang mga tauhan ng pulisya ay itatalaga sa mga simbahan, transportation hubs, tourists destinations at iba pa.


“Ang NCRPO ay maglalatag ng higit kumulang na 11,000 na police dito sa ating nasasakupan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan,” ani Tecson.


Ayon kay Tecson, ang mga insidente ng robbery at theft sa Metro Manila mula Enero26-Marso 1 at hanggang Marso 2-Abril 5 ay bahagyang tumaas ng 7.2% at 4.17%, batay sa pagkakasunod.


Samantala, sinabi naman ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Armand Balilo na nasa heightened alert na sila simula Abril 11 kaugnay ito ng paggunita sa Mahal na Araw.


“Bilang paghahanda, kami po ay magtataas ng alerto sa PCG, maghe-heightened alert kami mula ngayong Lunes para po sa paghahandang gagawin sa ating mga kababayan na nauuwi,” saad ni Balilo.


Nag-isyu na rin ang Department of Transportation (DOTr) ng mga hotlines sa publiko para sa aviation, road transport, railways, at maritime para sa darating na Semana Santa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page