ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 5, 2024
Nagsisikap pa rin ang mga bumbero sa central Chile upang kontrolin ang matinding sunog sa kagubatan na nauugnay sa pagkamatay ng 112 katao at pagkawasak ng mga komunidad.
Nagbabala naman si Pangulong Gabriel Boric at tinawag itong “tragedy of very great magnitude.”
Marami pa ring nawawala, na nagdudulot ng pangamba sa pagtaas pa ng bilang ng mga namatay.
Nagbabanta na rin ang sunog, na mas lalo pang lumakas noong Biyernes, sa Vina del Mar at Valparaiso, dalawang lungsod sa baybayin na sikat sa mga turista.
Ayon sa Legal Medical Service ng Chile, umabot na ng 112 mula sa 51 noong Sabado ang bilang ng namatay.
Comments