First time magkakilala… RHIAN AT JC, NAG-ONE-NIGHT STAND
- BULGAR
- 1 day ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 25, 2025
Photo: JC Santos at Rhian Ramos - IG
Speaking of Rhian Ramos, kahit pa very open naman na may kani-kanya silang partner in real life ng leading man niya sa Meg & Ryan na si JC Santos, ang lakas pa rin ng chemistry nila sa movie na showing na on August 6 in cinemas nationwide.
Sabi nga ni Direk Catherine “CC” Camarillo, hindi naman siya nahirapang ilabas ang chemistry nina Rhian at JC sa kanilang mga eksena kahit first time ng dalawa na nagsama sa isang pelikula dahil parehong magagaling na aktor at aktres sina JC at Rhian.
Cute rin ang ilang eksena sa trailer ng Meg & Ryan, lalo na ‘yung naked na naglakad si Rhian at ‘yung nagkaroon sila ng one-night stand ni JC.
Meron din silang mga kissing scenes sa movie na hindi lang namin alam kung naka-ilang takes sila, pero aminado silang awkward siyempre ang feeling nu’ng isinu-shoot nila ang eksena dahil hindi lang naman sila ang nandu’n, may cameraman na kumukuha siyempre sa kanila.
Pero knowing JC at Rhian na parehong professional, surely, walang dapat ipagselos ang kani-kanilang partner in real life dahil trabaho lang at walang personalan ang ganap nila sa Meg & Ryan.
Anyway, kasama rin sa cast ng Meg & Ryan na mula sa Pocket Media Productions and Pocket Media Films sina Ms. Ces Quesada, Cedrick Juan, Cris Villanueva, Jef Gaitan, J-Mee Katanyag, and social media stars Steven Bansil and Poca Osinaga, with beauty queen Alison Black.
Sa July 29 na ang premiere night ng movie, 6 PM sa SM Megamall Cinema 3, kaya kitakits, mga Ka-BULGAR!
Ander de saya? SAM, PINANDILATAN LANG NI RHIAN, SUNOD AGAD SA UTOS
Ang cute at ‘kaaliw ang latest video ng magdyowang Rhian Ramos at Sam Verzosa na naka-post sa Instagram ng aktres.
Sa video, makikitang may pinapanood si Rhian sa kanyang cellphone at tila ayaw maistorbo kaya mababasa sa text na kalakip ng video ang: “Boo, can you get me a water?”
Ang katabi niyang si Sam, parang naiirita at tipong aambahan pa si Rhian sa facial expression nito.
Pero nang pinandilatan ni Rhian, biglang-kambiyo si Sam sabay halik sa pisngi ng GF at saka tumayo para kumuha na ng tubig. Kakamut-kamot pa ito sa ulo na parang napilitan lang. Hahaha!
Well, for sure naman ay pang-aliw lang ng dalawa sa kanilang mga followers ang naturang video at hindi si Sam ang tipong “ander de saya” guy lalo’t GF pa lang niya si Rhian.
Ang cool nga ni Sam, dahil to think na super rich ito, pero todo-sakay sa mga trip ng GF, ‘no?
Kaya feeling talaga namin, endgame na nila ang isa’t isa dahil swak na swak sila. Kasal na lang talaga ang kulang.
Hmmm… malay natin, very soon na!
Inila-love team kay Bimby… ANAK NI ANDENG NA SI CASSANDRA, SPEAKER SA UNITED NATIONS
HINDI lang pala maganda kundi beauty and brains ang dalagang anak ni Ms. Andrea Bautista-Ynares (a.k.a. Andeng sa showbiz world), younger sister ni dating Sen. Bong Revilla, Jr., na si Cassandra Ynares.
Unang umingay ang name ni Cassandra dahil may mga nagsi-ship sa kanila ni Bimby Aquino, bunsong anak ni Kris Aquino.
Pero bukod sa isyung ito, may interesting ding ganap sa buhay ni Cassandra na talaga namang nakaka-proud para sa parents niyang sina Ms. Andeng at Antipolo Mayor Casimiro “Junjun” Ynares.
Sa ginanap kasing 2025 High Level Political Forum on Sustainable Development (HLPF) at sa High Level Segment ng United Nations Economic and Social Council (ECOSOC) mula Hulyo 14-23, 2025 sa New York, USA, bilang Philippine youth delegate at official member ng Philippine delegation, ibinahagi ni Cassandra Ynares ang papel ng Philippine youth-led organizations sa pagsusulong ng mental well-being, sexual and reproductive health, at HIV awareness sa Pilipinas.
Ibinahagi rin ni Cassandra ang Adolescent and Youth Health Development Program ng Phl Department of Health, pati ang personal niyang karanasan sa pagtatatag ng CASSAma Foundation, na sumusuporta sa youth mental health sa pamamagitan ng workshops, peer support circles, at safe space sessions.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng nagkakaisang aksiyon at katanggap-tanggap na pag-unlad, gaya ng WHO Pandemic Treaty, na nangyari nu'ng Pilipinas ang pangulo ng World Health Assembly.
Naging kalahok din si Ynares sa mga meeting, pagbibigay ng formal o informal na pahayag sa mga iba pang UN activities.
Oh, devah naman, at the age of 17, ang bongga na ng achievement ni Cassandra Ynares!
Komentarze