11 sundalo, pinagbabaril

ni Mai Ancheta @News | October 6, 2026

Photo: Ang mga sundalong sugatan sa ambush sa Basilan habang inililipat sa ospital sa Zamboanga City. (Mai Ancheta)
Sugatan ang 11 sundalo, kabilang na ang isang CAFGU, matapos tambangan ang kanilang military convoy sa Sitio Bauno Dagao, Brgy. Badja, Tipo Tipo Basilan kahapon ng umaga, Oktubre 5.
Tatlo sa mga sugatan ang naiulat na nasa kritikal na kondisyon at agad na in-airlift sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City .
Batay sa report, patungo sa Lamitan City ang convoy ng mga sundalo, subalit pagdating sa Tipo-Tipo ay pinagbabaril sila.
Nagtamo ang mga sundalo ng tama sa iba't ibang bahagi ng katawan at agad na dinala sa ospital para malapatan ng lunas.
Naniniwala ang militar na ang ambush ay ganti ng grupo matapos maglunsad ang mga sundalo ng operasyon sa Brgy. Balimbing, Lamitan City, kung saan nagkaroon ng engkuwentro ang puwersa ng gobyerno at mga armadong grupo.





Comments