Search
  • BULGAR

11 bagong kaso ng COVID-19 sa Iligan, naitala

ni Thea Janica Teh | October 13, 2020



Nakapagtala ng 11 bagong kaso ng COVID-19 ang Iligan City ngayong Martes kaya may kabuuan na itong 777.

Ilan sa mga tinamaan ng virus ay mga frontliners at authorized persons outside residence.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng contact tracing ang pamahalaang lokal ng Iligan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Samantala, gumaling naman ang 50 katao sa COVID-19 sa bayan ng Bataan. Kabilang dito ang isang buwang gulang na sanggol, isang taong gulang na lalaki at walong taong gulang na babae.

Nakapagtala rin ngayong araw ng 10 bagong kaso ng COVID-19 sa Bataan at may kabuuan nang 2,538. Ang 2,139 rito ay gumaling na at 47 ang pumanaw.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.