top of page
Search
  • BULGAR

11 astigin, lalarga sa Handicap SLLP

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 3, 2022


Mag-uunahan sa meta ang 11 tigasing kabayo sa magaganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.


Kasama sa makikipagsukatan ng bilis si Joel Purama na rerendahan ni class A rider Oneal Cortez. Nasa lineup din sa distansiyang 1,500 meter race ay sina Yes Kitty, Medaglia D' Amor at El Mundo na posibleng magbigay ng magandang laban sa event na pakakawalan sa unang race.


Ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay sina Senyorita, Midnight Sonata, Mabuhay, Innocare, Chrome Platter, Club Havana at Shine. Komento ng mga karerista na race 1 pa lang ay magandang laban na agad ang mapapanood nila dahil mga mahuhusay ang mga maglalaban-laban.


Nakalaan ang added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang hahamigin ng winning horse owner ang karagdagang P5,000 na premyo.


Samantala, siyam na karera ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw.


Kabilang sa aabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng walong mahuhusay na batang kabayo sa 2-Year-Old Maiden Race na pakakawalan sa pangalawang karera.


Makakaskasan sa largahan sina Noon Charm, Stealing Heaven, Jaguar, Rough Cut, Atomic Bomb, Grand Monarch, Distorted Julliane at Snow White gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie B. Guce.


Suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De leon ang lahat ng naka-iskedyul na karera ngayong Sabado.

Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Joel Purama (7), Yes Kitty (6), Club Havana (9)

Race 2 - Snow White (7), Atomic Bomb (4), Jaguar (2)

Race 3 - Trust Worthy/Smart Julliane (3/3A), It's A Deal (1), Fredie Wong (8)

Race 4 - High Honours/Don Albertini (5/5A), Sky Scraper/Red Sole (2/2A), Pakikisama (7)

Race 5 - Superformer/Moderne Cong (4/4A), Krugerrand (3), Work From Home (9)

Race 6 - My Jopay (2), Greatwall (3), Kid Baloloy (7)

Race 7 - Commodora (4), Fast Sailing/Freestyle (3/3A), Hee Nieve Rahh (7)

Race 8 - Tiger Boy (8), Kevlar (6), Fortissimo/Critical Moments (2/2A)

Race 9 - Daldalero (10), Lady Margaux (2), Jambo (1)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page