10K pamilya, makikinabang sa pabahay ng Baguio City gov’t
ni Lolet Abania | January 16, 2023

Aabot sa 10,000 pamilya ang inaasahang makinabang mula sa proyektong pabahay ng Baguio City katuwang ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD).
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang housing project na inaasahang mabebenepisyuhan ang tinatayang 8,000 hanggang 10,000 pamilya ay itatayo sa Tuba, Benguet.
“At ito naman ay gagawin namin doon sa lugar sa Tuba. May binibili kaming lupa ngayon doon. Hopefully, magbabayaran na ngayong araw na ito, this week, magbabayaran na kami,” ani Magalong sa public briefing ngayong Lunes.
“That’s about 6.3 hectares at ilang buildings din ang itatayo namin doon. These are multi-level buildings. Mixed ito… meron din for middle-income na families ito,” dagdag niya.
Sinabi pa ni Magalong, mayroon din silang ongoing project, kung saan makikinabang dito ang 230 pamilya.
“Hopefully, it will be completed in next year,” saad ni Magalong.





Comments