top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

106 dagdag-ruta ng libreng sakay, mas maraming makikinabang

BULGAR
May 22, 2022
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | May 22, 2022


Aabot sa 106 karagdagang ruta ang binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila at Rizal para sa libreng sakay.


Ayon sa LTFRB, ang mga ruta na dadaanan ng mga PUV para sa libreng sakay ay sa Caloocan, Mandaluyong, Makati, Malabon, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Pasig, Quezon City, Taguig, Pasay, Pasig at Cainta, Rizal.


Sakop din ng libreng sakay ang mga ruta ng PUVs mula sa North Luzon Express Terminal at sa Parañaque Integrated Terminal Exchange patungo sa mga lungsod.


Samantala, inanunsiyo rin ng ahensiya na mas marami pang mga ruta ng PUVs ang bubuksan sa mga susunod na araw para sa libreng sakay ng mga commuters.


Magandang balita na mas maraming ruta ang bubuksan para sa libreng sakay ng gobyerno dahil ibig sabihin, mas maraming komyuter ang makikinabang.


Malaking tulong din ito sa mga tsuper. Tiyak na kasi ang kanilang kikitain at ‘di na kailangang makipag-agawan ng pasahero.


Sa gitna ng pahirapang pagbiyahe dahil sa tag-ulan, gayundin sa dami ng pasahero, malaking bagay na may ganitong programa ang gobyerno.


Sabay-sabay na rin kasi ang problema, dagdag-presyo ng petrolyo, gayundin ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Kaya ang ilang pisong matitipid sa pamasahe, malaking bagay na para sa ordinaryong mamamayan.


Kaya naman, hiling din nating maipagpatuloy ang mga ganitong programa hanggang sa susunod na administrasyon.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page