101 Phl athletes handa nang umaksiyon sa Sanya
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
by MC @Sports News | April 22, 2026

Photo: Maaraw sa Sanya na pinasaya ni mascot “Yaya” mula sa pigura ng Eld's deer ng Hainan na umiikot sa lahat ng core areas ng naturang venue ng 6th Asian Beach Games sa China. (POC Media Pool)
Mainit na araw ang sumalubong sa Team Philippines sa unang arangkada ng 6th Asian Beach Games kahapon kung saan ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino ang delegasyon ng 'Pinas ay masasabing fighting team sa Sanya, China.
“We have a fighting team of 101 athletes here in Sanya and the goal is to make our mark by winning as many medals as possible,” ani Tolentino.
Pero may dalawang layunin sa Sanya campaign, ayon kay Tolentino na nasa isip ang 2028.
“These games also serve as a benchmark for us, particularly Cebu, when we host in 2028," aniya. “This will be a jumping board for our athletes and for the country to emerge as the best host ever.”
Isinalarawan naman ni Chef de mission Donaldo “Don” Caringal ang Filipino athletes bilang “bright and sunny” isang araw bago ang inaasahang glamorosong opening ceremonies ngayong Miyerkules.
“It's a good sign. We won our first game and now we're looking at also the other venues here—beach volleyball and sports climbing. It's a good day for Team Philippines,” ani Caringal.
Tinalo ng men’s handball team ang Hong Kong, 20-18, 28-16 kahapon. Ang partisipasyon ng Team Philippines ay suportado ng Philippine Sports Commission ni John Patrick “Pato” Gregorio,.
Habang ang basketball 3x3 quartets at triathlon nina Raven Alcoseba at Erika Burgos ng women’s side at men’s trio nina Andrew Remolino, Inaki Lorbes at Matthew Hermosa ay nagsasabing handa sila.
Nagwagi ang Pilipinas ng 5 golds, 10 silvers at 35 bronze medals sa ABG na unang lumarga noong 2008 sa Bali, kasunod ng 2010 battle sa Oman, 2012 sa Haiyang (China) at 2014 sa Phuket.




Comments