ni Angela Fernando - Trainee @News | January 22, 2024
Umaabot sa 101 na menor-de-edad ang nahuli ng mga pulisya sa Payatas matapos na lumabag sa curfew ordinance ng Quezon City.
Ito ay matapos silang mahuling nag-iinuman, walang damit pang-itaas, o nagkalat sa kalsada na lagpas sa itinakdang curfew ng lungsod.
Agad na dinala ng mga tauhan ng barangay at pulisya ang mga kabataan sa Payatas Covered Court at doon ipinatawag ang mga magulang at sumailalim sa proseso.
Nasa ilalim ng ordinansa ng Quezon City na kung walang valid na dahilan ay bawal na ang mga menor-de-edad sa kalsada mula 10 p.m. hanggang 5 a.m.
Comments