top of page
SHOWBIZ SPECIAL - GARY V., ‘DI UBRANG MAGPA-STEMCELL-IG _garyvalenciano.jpg

100K dagdag-trabaho para sa mga edad 18-24

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 9, 2026



UK people walking in pedestrian

Photo: File



Hanggang 100,000 short-term work placements ang ilalatag sa United Kingdom sa loob ng tatlong taon para sa mga kabataang edad 18-24 na walang trabaho, hindi nag-aaral at wala sa training o NEET.


Mahigit 40 retailers ang lumahok sa programang Opening Shift, kabilang ang Marks & Spencer, Asda, Tesco, John Lewis Partnership, Currys at Greggs, kung saan bibigyan ang mga kalahok ng 2 hanggang 4 na linggong work experience.


Layunin nitong mabigyan ang kabataan ng skills, confidence at karanasan bago tuluyang pumasok sa regular na trabaho. Sa pagtatapos ng placement, garantisado rin ang job interview, habang may itatalagang “buddy” na tutulong sa kanila sa workplace.


Sa kasalukuyan, 11,305 placements na ang naipangako ng mga retailer sa pakikipagtulungan ng Department for Work and Pensions (DWP) at British Retail Consortium.


Patuloy ding matatanggap ng mga participant ang Universal Credit habang nasa programa upang hindi sila mahirapang umalis at muling mag-apply sa welfare system matapos ang maikling placement.


Ayon sa dating M&S chief executive Marc Bolland, mahalaga ang pagtutulungan ng negosyo at gobyerno upang mabigyan ng pagkakataon ang kabataang nahihirapang makapasok sa workforce.


Nagbabala naman si dating Health Secretary Alan Milburn na maaaring umabot sa 1.25 milyon ang NEET sa UK sa susunod na limang taon mula sa kasalukuyang 1 milyon kung walang agarang hakbang.


Sinabi ni Milburn na anim sa bawat 10 NEET youth ang hindi pa kailanman nagkaroon ng trabaho, dahilan upang lalo silang mahirapang makakuha ng employment dahil sa kawalan ng experience.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page