100 vaxx encorders, kailangan ng DOLE — DILG
- BULGAR

- Nov 18, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 18, 2021

Naghahanap ngayon ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng karagdagang vaccine encoders dahil sa ang bilang ng mga indibidwal na gustong magpabakuna kontra-COVID-19 ay patuloy na dumarami, ayon sa isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa isang report ngayong Huwebes na kinakailangan ng mga karagdagang encoders upang mapadali ang reporting ng mga vaccination data.
Binanggit din ni Malaya sa naturang report na ang DOLE ay bukas para sa 100 slots ng mga aplikante sa National Capital Region (NCR) lamang.
Ayon pa kay Malaya, itatalaga ang mga newly-hired encoders sa mga local government units (LGUs) na mas kailangan ng assistance sa gagawing data encoding.
Matatandaang nito lamang Nobyembre, nagbabala ang DILG hinggil sa pag-iisyu nila ng show-cause order sa mga LGUs na mabibigong magsumite ng kanilang daily vaccination record.








Comments