100 kabataang migrante, kinuha na ng Guatemala

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 10, 2023

GUATEMALA — Higit 100 paslit at kabataang migrante mula sa Guatemala ang inilipad papunta sa kanilang tahanan noong Miyerkules matapos silang matagpuan sa isang trailer truck patungong US.
Ayon kay Wanda Aspuac, isang Guatemala’s Migration Institute official, “Concern kami kasi nakikita namin na dumarami ang pagbabalik ng mga bata at kabataan.”
Binanggit din ni Aspuac, karamihan sa mga kabataang lalaki ay nakapagtapos lamang ng elementarya.
Nakatanggap na ng 430 unaccompanied minors galing Mexico at US ang Guatemala mula Enero.
Batay sa US data, karamihan sa mga unaccompanied minors ay nakarating sa Estados Unidos mula sa Central America na nagmula sa Guatemala at kadalasang tumatakas sa matinding kahirapan.





Comments