top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

100 bata, nadale ng hand, foot and mouth disease sa Batangas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 17, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | October 17, 2022


Aabot sa 100 bata ang tinamaan ng hand, foot and mouth disease (HFMD) sa bayan ng San Pascual, Batangas.


Ayon kay San Pascual Municipal Administrator Atty. Sherwin Barola, sa nasabing bilang, 56 sa mga bata ang mayroong lagnat.


Batay sa mga health expert, ang HFMD ay resulta ng isang viral infection, kung saan pangunahing nakakaapekto sa mga bata. Kabilang sa mga sintomas nito ang rashes, mga sugat sa mga paa at kamay, at mga blisters sa paligid ng ilong at bibig, habang nagdudulot din ito ng lagnat.


Samantala, iniutos na ni Mayor Antonio Dimayuga na simula bukas, Oktubre 18 hanggang sa Biyernes, Oktubre 21, suspendido ang mga klase sa Day Care hanggang Grade 3 sa mga paaralan mula sa walong barangay sa San Pascual.


Ito ay mga barangay ng Pook Ni Kapitan, Pook Ni Banal, Resplandor, Natunuan North, Antipolo, Mataas Na Lupa, Sambat At Sto. Niño.


Nagtulong naman ang Rural Health Unit at Department of Education (DepEd) ng San Pascual upang hindi na kumalat pa ang naturang sakit sa mga bata.


Gayundin, magsasagawa na ng disinfection sa mga paaralan at iba pang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page